Mga Namumuhunan

Ventech China

Ventech China

Pinangunahan ng Ventech China ang series A na nakuha ng Hornet noong fall 2016 at ang founder at Managing Partner nitong si Eric Huet ay sumali sa board of directors ng kumpanya.

Itinatag ang Ventech Capital noong 1998 sa France. Sa China, tatlong pondo ang minamanage ng Ventech China. Sa buong mundo, ito ay kumakatawan sa mahigit USD 1B total asset under management.

Ang Ventech China ay investor sa maraming social networks, kabilang ang Blued Gay Social Network ng China (NASDAQ:BLCT).

500 Startups

500 Startups

Ang 500 Startups ay naging participant sa seed round ng Hornet na binubuo ng 27 angel investors noong 2011-13.

Ang 500 Startups ay isang global venture capital seed fund at startup accelerator na nakabase sa Silicon Valley na may ~$200M na assets under management. Nag-invest na ito sa iba’t ibang technology startups sa buong mundo, mahigit 1,400 na kumpanya mula nang magsimula noong 2010.